“PAMBANSANG WIKA: PUSO’T DIWA NG BANSA” SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

PR-021-2021

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto, ang Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne ay nagsagawa ng isang talakayan na pinamagatang, “Pambansang Wika: Puso’t Diwa ng Bansa”.

Sa ilalim ng temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” ito ay ginanap noong ika-25 ng Agosto taong kasalukuyan, Miyerkules, sa ganap na 2:00 ng hapon, sa pamamagitan ng ZOOM.

Ang tampok na pananalita ay nagbuhat kay G. Manny Asuncion, isang Pilipinong makata at miyembro ng Filipino Fiesta Association, na tumalakay sa kasaysayan ng wikang Filipino at ang pagbabalangkas, sa mahabang panahon, ng pambansang panuntunan hinggil sa wika. Sang-ayon si G. Asuncion na ang dapat itawag sa wika ay “Filipino” sapagkat ito ay kumbinasyo ng maraming diyalekto at patuloy na lumalago at sinasapian ng mga banyagang salita.

Nagbigay naman ng kanilang mga kuru-kuro ang tatlong panelista na inanyayahan ng Konsulado: sina Gng. Julieta Uy, isang dalubhasa at guro sa wikang Filipino; si Bb. May Red Zafra, isa ring guro at mananaliksik sa wika; at si G. Ruel “Beng” de Leon, mamamahayag at komentarista sa radyo.

  • Sa kaniyang pananaw, sinabi ni Bb. Zafra na ang Filipino ay dapat patuloy na palawigin at ipalaganap sa Australia, batay sa mga pag-aaral na nagsasabing umuunti na ang gumagamit nito.
  • Sang-ayon naman si Gng. Uy na dapat ipagpatuloy ang pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat nakatutulong ito sa kahusayan at kahandaan ng mga mag-aaral sa kanilang propesyon at kabuhayan.
  • Para naman kay G. de Leon, ang patuloy na paggamit at pagpapalaganap sa wika ay katatutulong na iangat ang imahe ng Pilipino sa ibang bansa.

Ito ay sinundan ng malaya at malalim na talakayan na tumagal ng tatlong oras.

-wakas-

Scroll to Top